
Mommy, Mamshie, Mama
Inay, Inang, Nanang, Mudra
Ano pa man angtawagsakanila
Nagiisa siya sa buhay natin – Ang Ina
Mula sinapupunan, hanggang kapanganakan
Maingat ka niyang inalagaan
Buong buhay niya ilalaan
Magkaron kang magandang kinabukasan
Ngunit bakit ngika’y lumaki
Unti-unti kang lumayo sa kanyang tabi
Nangulila siya sa iyong mga yakap
Ngunit di mo man lang tapunan ng mailap mong sulyap
Ngayon at narian pa siya
Huwag mong balewalain ang iyong Ina
Baka iyong nalilimutan, ang buhay ay may hanganan
Aanhin pa niya magaganda mong salita
Kung sakabaong na siya nakahiga
Ipagsigawan mo man gaano mo siya kamahal
Hindi ka na niya mapakikingan
Ngayon pa lamang Iyo ng ipadama
Kung gaano siya sa iyo kahalaga
Bigyan mong pansin at pakamahalin
Bago siya pumanaw at ika’y lisanin
Pagpupugaysalahatng Ina
Salamat sa iyo, dakila ka
Sa puso ko, mananatili ka, mahal kita aking Ina.
- - - - - -
The poem is about a mother's unconditional love for her children. That she longs to hear and feel the love while she still can. It is a plea to all children to show love and respect for their mothers before it's too late.
Guest Poet:

Lilia L. del Barrio is based in Laguna, Philippines. She is a part-time college instructor; retired school principal; freelance writer, lecturer / facilitator.
At present, she teaches on-line college classes on Social Sciences. She is also one of the in-house resource speaker of a consultancy firm. She is a former contributor to a local newspaper in Laguna and a ghost writer for some politicians. She has composed school hymns and campaign jingles.