Lahat ay inaanyayahan na lumahok sa isang paligsahan na handog ng Filipino Sports and Recreational Club (FILSPARC) na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at pagyayabong ng kultura ng mga Pilipino.   

Ano nga ba ang Bugtong at Tula?

BUGTONG- Mga parirala o kaya’y mga pangungusap na inihahanay nang patula o tuluyan at naglalaman ng talinhaga. Ang mga ito ay payak at maikli subali’t maliwanag at sinop ang kaisipan.


TULA- Ito ay isa sa dalawang uri ng panitikan na isang pagtutulungan ng mga salita at ritmo. Nakabilang dito ang ritmo at metro, na kung saan ang ritmo ay nagpapakita ng pagkahaba at pagkaikli na mga pattern sa pamamagitan ng nagbibigay-diin at hindi nagbibigay-diin na mga pantig.

Kaya Halina mga Kapamilya!!!Tayo’y makisali at makisaya sa araw na ito upang ating matunghayan, maramdaman at maranasang muli ang mga matalinhagang Tula at Bugtungan.

Ipamalas ang inyong angking talino at galing dahil may sorpresang pa premyo na ipapamahagi ang ating Direktor ng Kultura Mdm Marideth Del Pilar Laquian para sa mga magwawagi sa Bugtungan.

Ang mananalo sa Lutong Pinoy ay iaanunsyo sa pagdiriwang na ito.

Leave a Comment

Word Count: 0
 
 
 

 

 
Sponsors