
TULA: MAHAL KONG OFW
Alam kung mahirap at masakit na
Malayo sa mahal natin sa buhay
Ngunit tiniis mo ang hirap at pagod para sa pamilya
Sa bawat minuto at oras
Bawat araw at taon na malayo sa mahal mo
Alam kung mahirap para sayo ang mga araw na nagdaan na malayo sa mahal mo
Na tila ba ang tadhana ay walang pakialam sayo
Na tila ba bumaliktad na ang mundo.
Hindi yan batid ng mahal mo
Dahil ang alam nila masaya ka
Dahil ang iniisip nila yong padala mo
at kung saan nila gagastosin ang perang pinaghirapan mo
Dahil ang alam nila ok ka
Dahil ang alam nila pag nasa ibang bansa ay sagana at masaya
Dahil ang nasa isip nila ikaw ay namumulot ng pera.
Kaya para Sa mga mahal kung OFW
Laban Lang !!!
Laging magdasal at ingatan ang kalusugan at maging matatag .
Sa mga mahal na pamilya
Pahalagaan ang centimong pinaghirapan ng mahal nating OFW
Dahil buhay at kaligayahan ang kanilang tinaya para maka tulong sa pamilya
At maiahon kayo sa kahirapan at matikman ang masaganang buhay
Laging kamustahin at bigyan ng halaga
Lalong lalo na ang mga mahal nating OFW na malayo sa mga mahal nila
Sa buhay at bigyan ng importansya.
Mabuhay ang mga OFW !!!!
- - - - - - - -
Sinulat ni : Lucilyn Gubat Singh

Lucilyn Rama Gubat Singh, is 35 yrs old; married to Jatinder Singh. She is originally from Samar and migrated in 2016. She has 2 kids Jerlyn and Princess Jasmine Scarlet 11 months old. She works in a hotel but she is on maternity leave at the moment.
Tula para sa OFW - Binasa ni Jerlyn (12 yrs) sa Radio Tagumpay, Triple H 100.1FM Aug 24, 2020
