Sinulat ni Danilo Peralta, unang Pangulo ng TAA. 


Ang pamunuan ng Tagalog Association of Australia na siyang naglulunsad ng Balagtasan upangipagdiwang angBuwan ngWika sa tuwing darating ang buwan ng Agosto taon taon, ay muling maghahandog ng Balagtasan sa taong ito 2021.

Ngunit sakadahilana ng apektado tayo ng Covid 19 at sa patuluyang pag lockdown na ipinatutupad ng ating gobyernong NSW ay minarapat ng pamunuanng TAA na magsagawa na lamang ng isang balagtasan na gaganapin at mapapakinggan sa Radio 98.5FM at mapapanood sa TAA FB Page. Ito po ay magaganap sa Lunes, 9 Agosto mula ika 8 ng gabihan ng ika 9 para sa open forum ng pamunuan ng TAA at ngmambabalagtas kasama ng mga panuhing pandangal na aming naimbita sa Pilipinas.

At sa Martes po naman, 10 Agosto mula ika 9 ng gabi hanggang ika 10 nggabi ay ang inyong mapapakinggan at masusubaybayan sa FB TAA page ang aming Balagtasan. Ang tema po ng aming Balagtasan sa taong ito ay KALIKASAN VS KAUNLARAN - Magkatuwang Ba O Magkalaban.

Ang mga Mambabalagtas na bumubuo ng Balagtasan 2021 ay ang mga sumusunod: Pangkat ng Kalikasan- Ginoong Ross Aguilar, Pinuno; Mgakasaping Kalikasan; Ginoong Obet Dionisio (aka Makatang Sampaybakod), Ginang Violi Calvert, Ginoong Arlan Fajardo ng Melbourne, Victoria. At sa panig naman ngKaunlaran- Ginoong Rado Gatchalian bilang Pinuno;  Mga kasaping Kaunlaran; Ginoong Cesar Bartolome, Ginang Daisy Ann Cumming, GinoongAlwyn Galela ng Ohio USA. At ang tatayong bilang Lakandiwa ay si Ginoong Danny Peralta, Unang Pangulo ng TAA.

Ang pamunuan ng TAA ay lubos din na nagpapasalamat kina Ginoong Eric Maliwat bilang technical director/producer ng Balagtasan na siyang magsasalin upang mabuo ang programa ng Balagtasan. Nagpapasalamat din po kami kina Ginoong Ross at Ginang Cecille Aguilar sa pag papaunlak ng kanilang Pinoy Radio 98.5FM para mapakinggan sa himpapawid ang Balagtasan.

Ang departamento ng edukasyon sa ating Pilipinas ay nagsasaad na angAgosto ay Buwan ng Wikang Pambansa na ang tema sa taong ito 2021 ay, “ Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Filipino”.

Ang pamunuan ng Tagalog Association of Australia ay lubos na nagpapasalamat sainyong pagsubaybay ng aming Balagtasan magmula noong aming itinanghal ang kaunaunang Balagtasan dito sa Sydney Australia 2013. Sana po ay magustuhan ninyo ang pagtatanghal ng aming Balagtasan sa taongito 2021. Mabuhay Po Tayong Lahat. Mabuhay ang Wikang Filipino at Mabuhay ang Pilipinas.

Leave a Comment

Word Count: 0
 
 
 

 

 
More from this section
 

#IAmFilAussie Media Campaign Continues

Overseas Voting Registration Ends on Sept 30

 
Sponsors