Walang hanggan 

 

Loob at Labas —

kaluluwa'y waring
nakabingit sa bangin ng pag-aalinlangan.
Puso ko’y nagliliyab sa natatanaw
na pangarap na makamit ang kasarinlan.



Buhay ba ng katauhan
ay nakatakda sa landas ng tadhana
o nasa ating mga kamay ba
ang paglikha ng kahihinatnan?
Umaalon ang kinabukasan,
na di natin masilip,
ano ang kahulugan ng katutubong
nilikha kung ang sibilisasyong
mamamayan ang siyang taga-wasak
ng pugad ng katauhan?   

 
Hanggang saan kaya
ang ‘walang hanggang’
pagmamahal ng maykapal
sa buong kamunduhan?

 

Pag-ibig na walang hanggan
ay ating panaginip, bumabati
sa ating bunsong kamalayan.

 

Kahapon, ngayon, bukas —

 

Malasin natin ang pagbukas
ng mutyang kalooban.

 

Tapos na ang nakaraan,
ang kinabukasan, sa ngayon,
ay di natin makakamtan.

 

Ang paraiso ng ngayon
ay nakasadlak sa ating katayuan,
kinakatha ng ating damdamin
ang tunay na kasarinlan —
ang pinagmulan ay may pinanggalingan,
nasa ubod ng pag-ibig na walang hanggan,
walang loob, walang labas
ang buong kamunduhan.

 

Sa bangin ng pag-aalinlangan,
umuusbong ang pangarap ng katauhan
na marating ang pusong
‘walang hanggan’.
 

by Deborah Wall

Leave a Comment

Word Count: 0

 

 
Sponsors
 

Newsletter Signup